Kanta ni Yoyoy Villame
Song for OFW
Noong ako ay lumayo
Sa bayan kong sinilangan,
Pangako ko’y babalik
At hindi magtatagal,
Ngunit nang matagpuan ko
Ang maiging kabuhayan
Hindi na ako nakauwi
Magbabalik-bayan na lang.
Ala-ala kita
O, Pilipinas kong minamahal,
Sa lungkot at ligaya
hindi kita malilimutan,
Dinadalangin ko
Ang lubos mong katahimikan,
Nang masaya kaming magbabalik
Sa piling mo
O bayan kong mahal.
Minamahal kita
Daigdig ka ng aking buhay
Magbabalik ako
Pagkat ika’y naghihintay
Kaya dalangin ko
Ang lubos mong katahimikan
Nang masaya kaming magbabalik
Sa piling mo
O bayan kong mahal,
Ako’y babalik
Sa Piling mo hirang
Huwag kang mag-ala-ala
Pagkat minamahal kita
Pangako ko sa iyo
Ay hindi magmamaliw
Sa tulong ng langit
Ako’y babalik.